Magkapitbahay sinuwag ng jeepney, 1 todas

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang estudyante habang su­gatan naman ang kan­yang kapitbahay maka­raang suyurin sila ng isang pampasaherong jeepney habang naka­tayo sila sa bangketa sa Payatas Road sa Que­zon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Gefferson Sori­quez, 15, 3rd year student sa Justice Cecilia Muñoz Palma High School.

Sugatan naman ang kapitbahay nito na si Rayson Tano, 17, na nag­tamo lamang ng galos at maliit na sugat sa kata­wan.

Kusa namang su­muko sa Traffic Sector 5 ang driver ng jeepney na si Gary Ruiz, 38.

Ayon sa ulat ni PO3 Venus Ormita ng Traffic Sector 5, pasado alas-7:00 ng gabi nang maga­nap ang sakuna sa kaha­baan ng Payatas road.

Matuling tinatahak ng jeep na minamaneho ni Ruiz ang lugar patungo sa direksiyon ng Mon­talban kung saan pag­sapit sa Rolling Hills St., Purok 7, Bagong Sila­ngan ay biglang nawalan ito ng preno at tinahak ang bangketa.

Nagkataong naka­tayo at nagkukuwen­tuhan sa bangketa ang mga bik­ tima nang salpu­kin sila ng jeepney. (Ricky Tulipat)

Show comments