MANILA, Philippines - Nasamsam ng Manila Police District (MPD) ang tinatayang P.5 milyon halaga ng paputok at inaresto din ang lima na naaktuhang nagbebenta, sa mga bang keta, sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 7183 ( An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrakcers and other Pyrotechnic Devices) at Revised Ordinance 1119 (Obstruction)ang mga na dakip na sina Francis Santos, 26; Carlos Monrayo, 18; Renato Reyes, 35; Veronica Samonte, 18; Nunoy Tapias, 18.
Dakong ala-1:30 ng hapon nang salakayin ang mga nasabing paputok sa M.D. Santos, Binondo, dahil sa impormasyon na lantaran itong itinitinda sa bangketa sa kabila ng pagbabawal. (Ludy Bermudo)