^

Metro

Misuari, 7 pa absuwelto sa rebelyon

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Makati Regional Trial Court ang kasong rebelyon laban kay dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Mi­suari at sa pito pang opisyal ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa 10-pahinang desisyon ni Makati RTC Branch 59 Judge Winlove Dumayas, bukod kay Misuari pinawalang sala rin sina Bakil Annay Harun, Johan Sawasjan San Sanzibar, Akil Abdurahman Abdur, Addin Esguerra Ismail, Gamar Bin Abd Razak, Omar Bin Abdullah at Abu Harris Usman.

Ito’y matapos na paboran ni Judge Dumayas nitong Hulyo 10 ang apela ni Misuari at mga kapwa akusado na ipawalang-bisa ang mga ebidensyang inihain laban sa kanila.

Nag-ugat ang kaso ma­karaang salakayin umano ni Misuari at mga kapwa aku­sado ang kampo ng military sa may Busbus, Jolo, Sulu noong Nobyembre 19, 2001. Pinaulanan umano ng mga ito ng mortar , grenade launchers at bala ang natu­rang kampo na nagresulta sa pagkasawi ng ilang katao at pagkasira ng mga ari-arian ng pamahalaan.

Sinabi ni Dumayas na na­bigo umano ang panig ng pro­sekusyon na patunayan ang pagkakasala ni Misuari, dating Chairman rin ng Moro Na­tional Liberation Front (MNLF), “beyond reasonable doubt”.

ABU HARRIS USMAN

ABU SAYYAF GROUP

ADDIN ESGUERRA ISMAIL

AKIL ABDURAHMAN ABDUR

AUTONOMOUS REGION

BAKIL ANNAY HARUN

GAMAR BIN ABD RAZAK

GOVERNOR NUR MI

JOHAN SAWASJAN SAN SANZIBAR

MISUARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with