Kelot 'kinatok' ni kamatayan

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 23-anyos na lalaki makaraang barilin nang malapitan ng tatlong hindi nakilalang suspek kama­ka­lawa ng umaga sa Marikina City. Nakilala ang nasawi na si John Samuel Katorla ng 106 Jude St., Claire III, Brgy. Concepcion Uno, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Marikina po­lice, naganap ang kri­men dakong alas-6:10 ng umaga nang agad na pag­babarilin ng mga suspek si Katorla nang pagbuksan nito ng pinto matapos na makarinig ng sunud-sunod na katok. Matapos ang pama­ma­ril, mabilis na tu­makas ang mga suspek. (Danilo Garcia)

Show comments