^

Metro

Pader gumuho: 2 patay

-

MANILA, Philippines - Dalawang cons­truc­t­ion worker ang patay ha­bang dalawang kasama­han nito ang sugatan nang matabunan ang mga ito ng gumuhong pader sa ginagawa nilang gusali ng paaralan sa lungsod Quezon ka­hapon ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rogelio Abraham, at Moises Sancho,  habang suga­tan naman sina Rodel Vermillo, Jury Laparan na ginagamot ngayon sa Far Eastern University Hos­pital.

Sa ulat ng Police Station 5 ng Quezon City Police, pasado alas- 3 ng hapon nang mangyari ang insidente sa may Annex Building ng Ma­ligaya Elementary School sa Maligaya Park Sub­division, Brgy. Pasong Putik sa lungsod.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente habang naghuhukay ng lupa ang mga nabanggit na trahabador sa lugar nang bumigay ang pun­dasyon ng pader malapit sa kanilang lugar.

Sa pagbagsak ng pader ay biglang tumama ito sa nasabing mga worker dahilan upang mailibing sila sa nililikha nilang hukay.

Sinasabing dahil puti­kan ang naturang lugar nahirapan ang mga ru­mespondeng mga kasa­mahan ng mga biktima na maiahon ang mga ito.

Sa kasalukuyan, pa­tuloy ang ginawang pag­sisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ANNEX BUILDING

ELEMENTARY SCHOOL

FAR EASTERN UNIVERSITY HOS

JURY LAPARAN

MALIGAYA PARK SUB

MOISES SANCHO

PASONG PUTIK

POLICE STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with