Paslit lasog sa jeep

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang 7-anyos na batang lalake makaraang masa­ga­saan ng isang pampa­sa­herong jeepney na agad ding tumakas ma­tapos ang insidente sa lungsod Que­zon kahapon ng madaling- araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Benedict Car­los Sape, residente ng Aqui­no St., Sta. Lucia No­vali­ches sa lungsod.

Kung inaakala naman ng driver ng pampasa­herong jeepney na malu­lusutan niya ang kaso ma­tapos na takbuhan ang bik­tima, nagkakamali ito dahil nakuha ang plaka ng kanyang sasakyan sa numerong TXJ-197 na siya ngayong target ng mga awtoridad.

Ayon sa traffic sector 2 ng Quezon City Police nang­yari ang insidente sa may kahabaan ng Rega­lado Avenue, Brgy. North Fairview sa lungsod pa­sado ala-1 ng madaling- araw.

Diumano, tumatawid sa lugar ang biktima nang biglang bundulin ito ng nasabing PUJ.

Sa lakas ng impact, tu­milapon ng ilang metro ang biktima kung saan nag­pa­ikut-ikot ito sa ere, at nang bumagsak sa kal­sada ay muli itong nasa­gasaan ng nasabing sa­sakyan. Sa kabila ng insi­dente, hindi man lang hu­minto ang PUJ at huma­rurot ito papalayo. (Ricky Tulipat)

Show comments