MANILA, Philippines - Ipinawalang bisa na ng Professional Regulations Commission (PRC) ang lisensya sa pagka-doktor ni Hayden Kho matapos itong ireklamo ng aktres na si Katrina Halili kaugnay sa sex scandal video.
Ayon kay PRC chairman Nicolas Lapena, na noong nakaraang linggo pa kanselado ang lisensya ni Kho.
Nilinaw naman ni Lapena na bagamat maaari pang maghain ng apela si Kho ay hindi ito maaaring mag-practice ng medicine habang hindi pa nadedesisyunan ang mosyon nito.
Iginiit nito na ang kanilang hakbang ay bunsod sa isinagawang imbestigasyon ng PRC’s board of medicine kaugnay sa reklamo ni Halili. Hiniling din ng PRC sa kontrobersyal na doktor na isurender ang kanyang certificate o licensure.
Matatandaan na naghain ng reklamo ang aktres sa PRC laban kay Kho matapos na kumalat sa internet ang sex video ng dalawa ng walang pahintulot ng una. (Gemma Amargo-Garcia)