Negosyante itinumba habang natutulog

MANILA, Philippines -  Hindi na nagising pa ang isang negosyante nang pagbabarilin ito  hanggang sa mapatay  habang mahim­bing na natutulog kahapon sa Quezon City.

Dinala pa sa East Avenue Medical Center pero hindi na rin umabot pa roon nang buhay ang biktimang si Dionisio Pascual Jr., 45, may-asawa, ng #06 Alley-12, Quezon City.

Nauna rito, ipinasya ni Pascual na maidlip muna sa loob ng kanyang itim na Nissan Frontier sa tapat ng Edsan Market sa Barangay Apolonio sa naturang lunsod habang hinihintay ang asawa niyang si Jocelyn at isa nilang katulong na namalengke para sa kanilang kantina.

Sinabi ni Jocelyn na, nang pagbalik nila sa sasakyan, nagkakagulo na ang mga tao at dito nakita ang biktima na may tama na ng bala ng baril sa sentido, dibdib at tiyan. (Angie dela Cruz)

Show comments