Sakristan nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagpatiwakal ang isang sakristan matapos na matagpuan ang nakabigting bangkay nito sa isang simbahan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang biktima na si Richard Nepomuceno, 25, stay-in sa San Diego de Alcala Parish Church, na matatagpuan sa Barangay Polo ng lungsod na ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pu­lisya, alas-9 ng gabi nang makitang naka­bigti ang biktima sa loob ng tinutulugan nitong kuwarto ng nasabing simbahan.

Nabatid na hinanap ng kanyang kasa­ma­han na si Melvin Avano ang biktima at laking gulat nito nang makitang nakabigti sa kanilang kuwarto.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang posibleng dahilan para magpakamatay ito, gayunman inaalam pa rin kung may na­ganap na foul play sa insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments