Mister dinedo ng boarder

MANILA, Philippines - Nagkabutas-butas ang katawan ng isang 47- anyos na mister na agad na ikinamatay nito maka­raang pagbuntunan ito ng galit at pagbabarilin ng kanyang boarder na na­buryong matapos iwan siya ng kanyang pamilya sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Si Orlando Balictar, ng Block 6, Lot 4, Brgy. Es­copa IV, Project 4 sa lung­sod ay hindi na nagawa pang makapanlaban ma­ka­raang sorpresang pa­ulanan ng bala ng security guard na si Jonathan Verra, 39, at residente sa Mangga St., Libis, Bulak­ lak Malanday, Marikina City. Mabilis itong tumakas ma­tapos ang isinagawang krimen.

Ayon kay PO2 Hermo­genes Capili, may-hawak ng kaso, lasing umano ang suspek nang isagawa ang pamamaril at nadagdagan ito nang magtalo sila ng kan­yang asawa dahil sa bayad sa upa ng nireren­tahang kuwarto na pag-aari ng biktima.

Nangyari ang pama­maril sa loob ng tinutulu­yan ng biktima kung saan boarder nito ang sus­pek ganap na alas-10 ng gabi.

Bago ito, nakipag-inu­man muna ang suspek sa kanyang mga kaibigan at makalipas ang ilang mi­nuto ay nagtalo ang una at ang kanyang live-in na si Lorie hingil sa bayarin nila sa upa.

Naging mainit ang pag­tatalo hanggang sa mag­pasya si Lorie na layasan ang suspek bitbit ang da­lawa nilang anak. Kina­usap ng suspek ang na­sawi hingil sa atraso nila sa bahay pero hindi pumayag ang huli sanhi upang ma­buryong ito.

Ilang sandali pa ay na­rinig na ang sunud-sunod na putok ng baril at doon na­kitang duguang naka­handusay ang biktima. (Ricky Tulipat)

Show comments