^

Metro

NCRPO cops sasanayin sa rescue

-

MANILA, Philippines - Plano ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na isailalim sa “Basic Rescue Operations Training” ang 20% puwersa ng kanilang pulisya sa buong Metro Manila upang palaging handang rumesponde sa panahon ng mga kalamidad at emergency.

Ito’y makaraang may 37 unang batch ng pulis ang nagtapos sa limang araw na pagsasanay sa emergency medical action, rope training, water safety and sur­vival, at pagpapatakbo ng mga bangka. Sinabi ni NCRPO chief, Director Ro­berto Rosales na regular na isasagawa ang na­tu­rang pagsasanay hanggang sa 20 por­syento ng kanilang mga tauhan ang matuto nito.

Bukod umano sa paglaban sa krimi­nalidad, nararapat na laging handa rin ang pulisya na tumulong sa komunidad tuwing may kalamidad partikular na sa “rescue, relief, at rehabilitation operations”.  Hindi na umano dapat pang maulit ang ma­bulaga ang pulisya sa naganap na matin­ding pagbabaha sa Metro Manila sa naka­ra­ang bagyong Ondoy.

Ipinagmalaki rin ng NCRPO ang bagong biling 11 kahoy na rescue boats at anim na rubber boats na armado ng “trunk radio, Global Positioning System (GPS), camera na may infrared, at search lights. Bibigyan rin ang mga rescue team ng life vests, floating device, at mga thermal blankets para sa mga biktima ng baha. (Danilo Garcia)

BASIC RESCUE OPERATIONS TRAINING

BIBIGYAN

BUKOD

DANILO GARCIA

DIRECTOR RO

GLOBAL POSITIONING SYSTEM

IPINAGMALAKI

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with