500 kilo ng hot meat nasamsam sa Quezon City

MANILA, Philippines - Kahit paulit-ulit ang gina­ga­wang pagsalakay ng awto­ridad sa mga negosyanteng nagbe­benta ng double dead na karne, hindi pa rin nati­tinag ang mga ito. Kahapon ay muling naka­samsam ang mga awtoridad ng may 500 kilo ng hot meat nito sa Ba­lintawak Market sa Quezon City.

Ayon sa ulat nagsagawa ng sorpresang inspection ang pu­lisya sa nabanggit na palengke pasado alas-10 ng gabi, subalit bago pa man makalapit ang mga awtoridad ay nagpulasan na ang mga vendors at iniwan ang mga saku-sakong double dead na karne.

Ayon sa pulisya, nabu­bulok na ang mga naturang karne at hindi na maaari pang ibenta dahil sa mabahong amoy nito.

Sa ngayon, ang nasabing karne ay nakalagak sa na­sabing himpilan habang hini­hintay pa ang pamunuan ng national meat inspection service na siyang may dis­posisyon dito. (Ricky Tulipat)

Show comments