^

Metro

Binay nagpaalam na sa Makati

-

MANILA, Philippines - Pormal nang nagpaalam si Makati Mayor Jejomar Binay sa mga empleyado ng city hall at residente ng lungsod sa araw ng kanyang ika-67 ka­arawan kahapon ng umaga.

Pinasalamatan ni Binay ang mga taga-Makati sa pag­suporta sa kanya sa loob ng 20 taon kung saan nakilala ang lungsod sa pagiging pro­gresibo nito at kinikilala ma­ging ng internas­yunal na komunidad.

Kasabay nito, hiningi na­man ni Binay ang suporta ng mga taga-Makati sa pagna­nais niyang maging Bise-Presidente ng bansa sa ilalim ng tiket ng United Opposition.

Sa selebrasyon naman ng kanyang kaarawan, sinabi ni Binay na hindi umano tatakbo ang kanyang asawa na si Ellen sa pagka-alkalde ng lungsod bilang kahalili niya. Tikom naman ang bibig nito kung sino ang ieendorso maging sa plano ng kanyang panganay na anak na si Councilor Junjun Binay. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BINAY

BISE-PRESIDENTE

COUNCILOR JUNJUN BINAY

DANILO GARCIA

KASABAY

MAKATI

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY

PINASALAMATAN

SHY

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with