Bangkay ng lalaki, isinilid sa drum

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang nakasilid sa loob ng isang drum na lulutang-lutang sa ilog sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 ang biktima, kulot ang buhok, nakasuot ng kulay brown na short, polo na may brown stripe at rubber sandals.

Base sa inisyal na report ng pulisya, alas-6 ng umaga, ilang kabataan na nangunguha ng mga basura ang nakakita sa plastic drum na lumulutang sa Tullahan River, Tatalon St., Ugong ng lungsod. Dahil pakikinabangan ay agad na kinuha ng mga kabataan ang drum at nang buksan ay mga basura pa ito sa ibabaw.

Nang tanggalin ang mga basura ay laking gulat ng mga kabataan ng tumambad ang katawan ng biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments