Secretary Reyes pinasisibak ng transport group

MANILA, Philippines - Pinasisibak ng mili­tan­teng transport group na Pinagkaisang Sama­han ng mga Tsuper at Ope­ra­tors Nationwide (PISTON) si Energy Sec­retary Angelo Reyes dahil sa pananakot nito at sabi­hing aabutin na lamang ng 13-araw ang suplay ng produktong petrolyo.

Mistulang tinatakot umano ni Reyes ang hanay ng mga tsuper, mga motorista at mga con­sumers upang pala­ka­sin ang panawagan ng mga oil company na ipa­tanggal kay GMA ang Executive Order 839 na nagpapa­hinto na maitaas ang pres­yo ng produk­tong petrolyo sa Luzon na sinalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Bunsod nito, nanawa­gan ang Piston sa Mala­kan­yang na patalsikin sa puwesto si Reyes dahil sa ginagawa niyang pana­na­kot sa taumbayan sa halip na gumawa ng solusyon sa inaasahang oil shortage sa bansa.

Nagbanta ng mala­wa­­kang transport protest ca­ravan ang Piston sa tang­gapan ng Big 3, ang Shell, Caltex at Petron para kon­denahin ang kanilang pag­tangggi sa price control sa­manta­lang patuloy ang kanilang kita mula sa Visayas at Mindanao.

Layunin din ng natu­rang hakbang na igiit na maibasura ang oil dere­gu­lation law na siyang ugat ng patuloy na pag­taas ng presyo ng pro­duktong pe­trolyo.

Nais din ng Piston na palawi­gin sa Visayas at Min­danao ang imple­men­­tas­­yon ng EO 839. (Angie dela Cruz)

Show comments