2 shoplifter nadakip

MANILA, Philippines - Kapwa arestado ang da­la­wang babae na nahulihan ng ilang pirasong damit na pinagpatung-patong sa loob ng kanilang katawan sa magkahiwalay na mall sa Sta. Cruz at Ermita, Manila.

Isa sa mga suspek na si Cecilia Marquez, 51 anyos, ng Concepcion Uno, Mari­kina City ang nadakip ng guwardiya ng Ever Go­tesco sa C.M. Recto sa Quiapo, Manila makaraang tangkain niyang magpuslit ng mga panindang damit palabas ng mall kamakalawa ng gabi.       

Nadakip din ng guwar­diya sa Robinson’s sa Er­mita, Manila ang isa pang suspek na si Jorabel Aba­yon, 36, ng Pembo, Makati City dahil din sa pagkaka­diskubre ng mga itinagong damit sa kaniyang katawan habang papalabas ng mall. (Ludy Bermudo)

Show comments