Mambobosong lolo, dinedo sa suntok

MANILA, Philippines - Pamboboso sa kanyang asawa. Ito ang mga panguna­hing dahilan kaya napatay sa bugbog ng isang mister ang isang lolo sa Quezon City ­ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Macky Lim, 55, ng Brgy. Fair­view sa lungsod. Agad namang naaresto ng awtoridad ang salarin na si Bonifacio Dionaldo, 35, karpin­tero at residente rin sa nasabing lugar.

Ayon sa report, natutulig na umano ang suspek sa paulit-ulit na sumbong sa kanya na ma­dalas daw binobosohan ng bik­tima ang kanyang asawa lalo na tuwing ito ay nagpapadede ng kanilang sanggol na anak kung kaya nito ginawa ang krimen.

Nangyari ang insidente sa kanilang lugar pasado ala-1 ng madaling-araw.

Dahil sa pagkapundi ay una nang sinampal ni Dionaldo si Lim na gumanti naman ng pananaksak at nadamplisan ang una sa palad.

Dito ay galit na binigyan ng sunud-sunod na suntok at sipa ni Dionaldo si Lim dahilan upang manlupaypay ito sa lupa.

Sinabi pa ng suspek, taong 2001 pa nang simulang boso­han ng matanda ang kanyang asawa pero tinitiis niya at bina­balewala hanggang sa mapundi na rin siya at magawa ang krimen. (Ricky Tulipat)

Show comments