MANILA, Philippines - Patay ang isang 13-anyos na batang babae nang mahagip at magulungan ng trailer truck habang ito ay tumatawid sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng matinding pinsala sa katawan si Lady May Balanday, 13, ng Gen. San Miguel St., ng lungsod na ito. Sumuko naman si Mauro Pacaldo, 67, ng Masinop St., Tondo, Manila at driver ng Tractor Head (WNT-469). Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:40 ng umaga sa nabanggit na lugar habang tumatawid ang biktima nang mahagip ni Pacaldo. (Lordeth Bonilla)