MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na mister ang pinatay sa saksak ng kanyang mismong kuya makaraang batuhin ng una ang asawa ng huli na nakatalo nito kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Ariel Ebron, 28, ng Barrio Sta. Rita South, Tala ng nabanggit na lungsod.
Agad namang tumakas matapos ang isinagawang krimen ang suspect na utol na si Arnel Ebron, 38.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas -7:00 ng umaga sa labas ng kanilang bahay sa Barrio Santa Rita South.
Nabatid na una rito, nagtalo ang biktima at ang misis ng kanyang kuya.
Sa puntong yon ay binato ni Ariel ang kanyang hipag, na ikinagalit ng kuya nito, kung kaya’t kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang kapatid. (Lordeth Bonilla)