Kotse ng congressman nakarnap

MANILA, Philippines - Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga kagawad ng anti-carnapping section ng Quezon City Police laban sa grupo ng mga car­napper na tumangay ng sasakyan ni partylist repre­sentative Neri Culmenares kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, ini­lagay na nila sa alarma ang sasakyang Toyota Corolla Sedan (UUT-120) ng kon­gre­sitang si Culmenares na tinangay ng mga sus­pek sa harap ng head­quaters ng kanilang partido sa 45 K-7 St., Brgy. Ka­muning sa lungsod.

Nabatid na pasado alas-5 ng umaga nang ma­tuklasan ng mamba­batas ang pagkawala ng kan­yang sasakyan mata­pos na tignan niya ito sa para­dahan.

Ayon kay Culmenares, ipinarada niya ang kan­yang sasakyan sa harap ng kanilang headquarters ganap na ala-1 ng ma­daling-araw bago nagpa­lipas ng magdamag, hang­gang kinaumagahan ay nawala na ito.   (Ricky Tulipat)

Show comments