Binata nag-suicide dahil sa sakit ng ngipin

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang 31-anyos na binata matapos tumalon mula sa ika-15 palapag ng tene­ment building dahil lamang sa matinding pagsakit ng ngipin idag­dag pa ang prob­lemang dinadala nito tungkol sa paghanap ng tra­baho, kamakalawa ng gabi sa Vitas, Tondo Manila.

Nakilala ang nasawi na si Geraldo Mogado, ng 742 Vitas Tenement.

Sa ulat ng Manila Po­lice District-Station 1, da­kong alas-10:30 ng gabi ng maganap ang in­sidente sa Katuparan Building , 15th floor, Vitas, Tondo, Maynila.

Nabatid na ilang araw na iniinda ng biktima ang sobrang pananakit ng ngipin at kamakalawa ng gabi ay ibinili pa umano ng kanyang ina ng gamot upang makatulog dahil balisa na umano dahil sa matinding sakit.

Dahilan umano iyon upang hindi makatulog ng ilang araw ang biktima hanggang kamakalawa ng gabi, nagulat ang mga kasambahay niya at ina nang makitang wala na ito sa loob ng bahay hang­gang sa may mag­balita   na tumalon ito sa gusali.

Ayon pa sa ulat naka­halo din sa depresyon ng biktima ang hindi maka­hanap ng trabaho sa loob ng 5 taon at hindi ma­katulong sa kanilang pamilya. ( Ludy Bermudo)

Show comments