Sanggol dinukot sa mall

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ng pu­lisya ang isang babaeng pinaniniwalaang mi­yem­bro ng sindikatong ‘Baby for sale’ matapos mag­pang­gap na estud­yante at mag­sagawa ng survey upang matangay ang isang 4-na araw pa la­mang na kasi­silang na sanggol, mula sa kan­yang ina, sa isang mall, sa Arroceros, Ermita, Maynila.

Sa reklamong idinu­log sa Women and Child­ren Protection Desk (WCPD), ng ina ng sang­gol na si Angelina Bico, 23, ng Ge­lerios St., Sta. Cruz, May­nila, isang tina­tayang 20-25 anyos, may taas na 5’1’’ hang­gang 5’2’’, may ka­tabaan, at nag­pa­kilalang “Chris­tine” ang tumangay sa bagong si­lang na ba­baeng sanggol.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Josie Feleo, da­kong alas-10 ka­maka­lawa ng uma­ga nang maganap ang pagdukot sa isang Derma clinic sa basement ng mall sa Arroceros, Er­mita.

Sinabi ni Bico na nag­punta sa ka­nilang ba­hay noong Lunes (Ok­tubre 19) ang suspek at naki­­usap na interbyuhin siya bilang bahagi ng project (assign­ment) nila sa school hinggil sa mga bagong silang na sanggol.

Aminado ang biktima na nagtiwala agad siya kaya hindi na tinanong kung anong school nag-aaral ang suspek hang­gang sa kinabuka­san ay bumalik ang sus­pek at ma­kumbinsi siya na su­mama sa isang mall sa Maynila upang doon uma­no siya ipa­ayos sa isang Derma clinic at pagan­dahin, na ba­hagi din uma­no ng school assign­ment.

Kasama ng biktima ang kan­yang baby at isa pang anak na 3-taong gulang.

Nang nasa mall na sila ay ipi­naiwan umano ang 3 taong gu­lang sa food­court sa ground floor upang mag­tungo sila sa Derma clinic sa base­ment at doon ay pina­pirma siya ng re­quest form ng Derma clinic.

Hindi pa man siya na­sisimulan sa gagawing pagpapagan­da ay ma­bi­lis siyang luma­bas upang ku­nin ang sang­gol na karga ng sus­pek su­balit hin­di na niya nakita ang sus­pek at ang kan­yang baby.

Ipinalabas na rin ang isang carto­graphic sketch ng suspek.

Show comments