People's Initiative laban sa oil depot ibinasura
MANILA, Philippines - Ibinasura nang tuluyan ng Commission on Elections ang petisyon ng ilang grupo na kumokontra sa pananatili ng mga oil depot sa Pandacan, Maynila.
Ito ang nabatid kay Manila Vice Mayor Francisco Moreno matapos na mapasakamay ang resolution ng Comelec na nagbabasura sa petisyon na magkaroon ng isang people’s initiative sa Maynila para malaman ang pulso ng mga residente kung dapat manatili ang oil depot sa Pandacan.
Target ng petisyon na mapawalambisa ang Ordinance 8187 na nagpapahintulot sa pananatili ng oil depots sa Maynila. Ayon kay Moreno, hindi kinatigan ng Comelec ang petisyon dahil hindi sapat ang lagda na nakuha ng concerned group na kumokontra sa oil depot para makapagdaos ng isang people’s initiative. (Doris Franche)
- Latest
- Trending