MANILA, Philippines - Tatlong American national na pawang sangkot sa kasong kriminal ang ipinatapon na palabas ng bansa.
Nabatid sa ulat ni Atty. Antonio Rivera, head ng BI deportation unit, sina Douglas John Fitzgerald, 68, James Kenneth Nichols, 42, at isang kinilala sa apelyidong Fiske ay isinakay sa magkakahiwalay na flight ng Philippine Airlines patungo sa California.
Sina Fitzgerald at Fiske ay kapwa wanted sa kasong sex offense at tax evasion case sa kanilang bansa at nagtago sa Pilipinas subalit minalas na madakip kamakailan ng mga awtoridad.
Si Nichols naman ay ipinadeport dahil binigyan siya ng conditional pardon ng Malakanyang matapos ma-convict sa kaso ng iligal na droga. (Ludy Bermudo)