Technician nasawi sa gulpi ng 2 lasing

MANILA, Philippines - Hematoma o internal bleeding sa ulo ang hinihinalang ikinama­tay ng isanng 36 anyos na technician matapos bug­­bugin ng dalawang lasing sa Sta. Ana, May­nila kahapon ng mada­ling-araw.

Patay na nang ma­ipa­sok sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Victor Martin Pra­nalles, binata, residente ng 3384 F. Nazareno St., Barangay Singka­mas, Makati City.

Mabilis namang na­aresto ng mga barangay tanod ang mga suspek na sina Alfredo Otico, 31, may-asawa, walang trabaho ng No. 60 B. H. Santos st., Makati City; at Noel Salvatierra , 39, insurance agent, ng 7210 Ferrel Compound,   Pinagbuhatan,   Pasig City.

Sa pahayag ng isang tindero ng mani, si Pranalles umano ay bumili sa kaniya ng mani habang si Otico umano ay masama ang tingin sa biktima.

Maya-maya ay luma­pit si Salvatierra bago bi­ na­tukan si Pranalles. Si­nun­tok naman ito ni Otico sa panga. (Ludy Bermudo)

Show comments