Riding-in-tandem na holdaper, bugbog sarado sa taumbayan

MANILA, Philippines - Nagpiyesta sa panggugulpi ang galit na taumbayan sa da­lawang hinihinalang holdaper sakay ng isang motorsiklo ma­karaang makorner ang mga ito matapos na bikti­mahin ang isang empleyada ng bangko, kahapon ng umaga sa Man­daluyong City.

Mistulang lantang-gulay ang inabot ng mga biktima ma­tapos na mailigtas sa po­sibleng kama­tayan ng pulisya kung saan nakilala ang mga ito na sina James Bernardo, 21, ng Brgy. Taas at Natalio Ma­nansala, 24, ng Brgy. Pob­lacion, ng naturang lungsod.

Pormal na sinampahan ang mga ito ng kasong rob­bery hold-up ng biktimang si Janie Lee Aquino, 23, dalaga, ng Brgy. Plain­view, Mandaluyong City.

Base sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang huminto sa ha­rapan at hablutin ng dala­wang suspek ang bag ni Aquino ha­ bang naghihintay ito ng masa­sakyan sa may Ka­tarungan St., Brgy. Plainview.

Nasaksihan naman ng taum­bayan ang krimen kaya tulung-tulong ang mga ito na hinabol ang humarurot na motor habang ang iba ay hinarang ang daraanan nito sa kalsada sanhi upang makorner ang dalawa. Dito na pinagsusuntok at pinag­si­sipa ang da­lawang suspek at posibleng nasawi kung hindi naawat ng mga rumespondeng tauhan ng Mobile Patrol Unit ng Man­daluyong police.

Bukod sa bag ng biktima, narekober drin ng mga pulis ang motorsiklong gamit ng mga suspek sa krimen na hini­hina­lang nakaw din. (Danilo Garcia)

Show comments