^

Metro

Parak namaril nang matitigan ng kelot

-

MANILA, Philippines - Bumagsak sa Orthopedic Hospital ang isang 26-anyos na lalaki nang barilin sa ka­nang hita makaraang mapati­ngin umano siya sa pulis na nag-akalang masama ang kan­­yang tingin dito sa Tondo, Maynila kahapon ng ma­daling-araw.

Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment si Milagros Calub, ina ng biktimang si Reynaldo Calub Jr., ng 1027-D Tayabas St., Tondo na kasalukuyang na­ka­ratay sa Orthopedic Hos­pital sa Banawe, Quezon City.

Nasugatan ang batang Calub sa kanang hita nang ba­ri­lin ng suspek na si PO1 Aechie Cruz ng National Ca­pital Region Police Office-Re­gional Mobile Group at resi­dente ng 1531 Tindalo st., Tondo.

Bukod kay Calub, nagha­rap din ng reklamo sa MPD-GAS sina Chairman Arturo Ignacio, 56, ng Barangay 221 Zone 21, District 2 at Joel Gue­varra, 43, barangay tanod, ng 1027 Tayabas St., Tondo laban kay Cruz.

Sa ulat ni PO3 Reginald Delos Santos ng MPD-GAS, dakong alas-12:30 ng hating­gabi nang maganap ang in­sidente sa panulukan ng Molave at Batangas Streets sa Tondo.

Ayon sa reklamo, ang pulis umano ay sakay ng kaniyang motorsiklo nang makasalu­bong ni Calub at hindi umano sinasadyang mapatingin siya rito. Agad kinompronta ng suspek ang biktima at inusisa kung bakit tinitingnan siya nito hanggang sa nagkaroon ng komosyon nang pumalag ang biktima sa tangkang pag-aresto ng suspek sa kanya.

Nang tumakbo si Calub ay binaril ito ng suspek na tu­mama sa hita.

Nasaksihan naman nina Ignacio at Guevarra ang in­si­dente kaya nagtangka silang rumesponde at tulu­ngan ang nabaril pero minura lang sila ng suspek at nanakot.

Dahil sa pangamba na ma­baril ay nagkober umano sina Ignacio at Guevarra at nang makaalis na ang suspek ay saka nila dinala sa ospital si Calub. (Ludy Bermudo)

AECHIE CRUZ

BATANGAS STREETS

CALUB

CHAIRMAN ARTURO IGNACIO

D TAYABAS ST.

GUEVARRA

IGNACIO

JOEL GUE

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with