Sa bangis ni Ondoy: Metro Manila matagal pa bago makarekober

MANILA, Philippines - Matatagalan pa ba­go tuluyang makareko­ber ang maraming re­sidente sa Metro Manila sa dinanas nilang “delubyo” dala ng ma­tinding ulan na dala ng bagyong si Ondoy.

Malaking por­siyen­to pa rin ng mga resi­dente sa Metro Manila ang hindi pa rin maka­paniwala sa dinanas na grabeng pagbaha.

Hanggang sa ka­hapon may ilang mga lugar pa rin ang hindi pa humuhupa ang tubig.

Kasabay pa nito ang patuloy na pagka­rekober sa mga bang­kay ng naging biktima ni Ondoy.

Narito ang ibat-ibang kaganapan sa buong Metro Maila kaugnay pa rin sa lupit na dinanas sa bagyong si Ondoy.

Show comments