Juvenile offenders hindi pwedeng posasan

MANILA, Philippines - Mabibigyan ngayon ng bigat ang karapatan ng bawat kabataan na nagka­karoon ng pagkakasala sa batas o tinaguriang child­ren in conflict with the law (CICL) mata­pos ang ba­gong kautusan na nagba­bawal sa mga awto­ridad na lagyan ng posas ang ka­­­nilang mga kamay kapag inaaresto. Ito ang nabatid maka­raang ipa­labas ng National Police Commission (Na­pol­com) ang isang manual para sa lahat ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na gigiya sa mga ito kung papaano tratuhin ang mga kabataang nagkaka­sala, base sa Juvenile Justice and Welfare Act.

Sa ilalim ng PNP manual, ang mga pulis ay inatasang itigil ang pagpo-posas sa mga menor-de- edad na nagka­sala sa ilalim ng Republic Act 9344 o tinaguriang Juvenile Jus­tice and Welfare Act ng 2006 – maliban na lamang kung kinakailangan.

Ang RA 9344 o CICL ay ang naging akusado o nag­ka­sala sa ilalim ng ba­tas. Mga bata na ang tinu­tukoy ay nasa edad 18 pa­baba. Nabatid pa na na­kasaad din sa RA 9344 na ang mga batang nasa edad 15- o 18-anyos pa­baba nang gawin nito ang pagkakasala ay exempted sa anumang criminal liabi­lity maliban sa huli na na­aktuhang nag­kasala. (Ricky Tulipat)

Show comments