Driver na manunuhol hihigpitan

MANILA, Philippines - Mas maghihigpit rin ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga bus at jeepney driver na nanu­nuhol o nag-aalok ng pera sa mga traffic enforcers na umano’y sanhi upang ma­si­law ang mga ito at ma­sang­kot sa katiwalian sa kalsada.

Sinabi ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isang pahayag na hindi lamang mga traffic enforcer na mahuhuling tumatang­gap ng lagay ang mapapa­rusahan kundi pati na rin ang tsuper na naglalagay dahil dalawa silang naka­ gawa ng paglabag.

Ipinaliwanag ng MMDA chief na kabilang sa ipinag­kaloob na kapangyarihan na lumikha sa kanilang ahen­siya ang mangum­piska ng lisensiya ng mga nagka­kasalang tsuper kaya pu­wede nilang ipawalam­bisa ang lisensiya ng mga ito kapag nagtatangka o nagbi­bigay ng tong sa mga traffic enforcers.

Tatanggalin na­man agad sa serbisyo ang mga enforcer na mapapatunayang siya namang nanghihingi nito sa mga drivers. (Danilo Garcia)

Show comments