Dahil sa P5 barya, 53-anyos patay
MANILA, Philippines - Dahil sa paghabol sa nahulog na P5 coin namatay ang isang lalaki makaraang madapa at mabagok ang ulo, kahapon sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon City si Pablito Fajardo, 53, ng Galicia St., Brgy. Bangkulasi, Navotas City.
Base sa report, ala-1 ng hapon, naglalakad ang biktima sa C-4 Road, Brgy. Tañong, Malabon City, nang mahulog ang hawak nitong P5.
Hinabol ng biktima ang barya subalit minalas na nawalan ng panimbang at nabagok ang ulo sa bangketa na naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending