Van vs tricycle: 2 utas

MANILA, Philippines - Nagbanggaan ang isang tricycle at kasalubong nitong van sa Pasig City kahapon ng madaling-araw. Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rudy Deliso Sr., 69, tricycle driver, ng Brgy. Manggahan ng nasabing lungsod at ang pasahero nitong si Remedios Villanueva. Isinugod naman sa pagamutan para malapatan ng lunas ang sugatang biktima na si Lolita Deliso, asawa ng nasawing tricycle driver na kaangkas nito. Arestado naman ang suspect na si Sigfried Bonn Villanueva, 23, ng Katahi­mikan St. Ka­ rangalan Village sa lungsod. Batay sa im­bes­tigasyon, naganap ang sakuna bandang alas-3 ng madaling-araw sa kahabaan ng highway ng Kagin­hawaan St., Kara­ngalan Village. Kasalukuyang sakay ang mga biktima ng tricycle na minamaneho ni Deliso at binabagtas ng tricycle ang pakurbadang daan nang biglang sumulpot ang isang Ford Everest (CGB-976) na minamaneho ng suspect na si Villanueva na tuluy-tuloy na inararo ang nasabing tricycle. Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ng may ilang metro si Deliso at pasahero nito habang nada­ganan naman ng truck ang kanyang misis. (Joy Cantos)

Show comments