2 sekyu nag-duelo: 1 kritikal

MANILA, Philippines - Kritikal ang isang sekyu sa isang shopping mall matapos na maki­pag-dwelo sa kapwa niya sekyu, kahapon ng ha­pon sa Pasig City.

Ginagamot sa Rizal Medical Center ang bik­tima na si Edmundo Olitres sanhi ng tinamong tama ng bala mula sa .38 kalibre ng baril sa dibdib.

Arestado naman ang nakabarilan nitong sus­pect na si Jay Aragon, ka­samahan ng biktima na naka-detail sa loob ng Pio­neer Shopping Center, Pioneer St., Brgy. Kapi­ tolyo, Pasig City.

Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong ala-1:20 ng hapon nang mangyari ang nasabing insidente sa loob ng nasabing shopping center.

Nabatid sa paunang pagsisiyasat ng pulisya na unang nagkaroon ng ma­initang komprontas­yon ang dalawa dahil lamang umano sa iringan sa trabaho at ilang mi­nuto pa ay nakita na la­mang na nag-dwelo ang mga ito gamit ang ka­nilang ser­vice firearms, hanggang sa duguang bumulagta si Olitres. Pa­tuloy pa ring ini­im­besti­gahan ang na­turang in­si­dente. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

Show comments