MANILA, Philippines - Nag-umpisa na ang pagtataas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) na gamit sa pagluluto at “auto-LPG”.
Pinakahuling nagtaas ng kanilang produkto ang Petron Gas Corporation na iniakyat ang presyo ng kanilang “Gasul” ng P2.25 kada kilo umpisa kahapon ng alas-6 ng umaga. Sinabi pa ni Petron spokesperson Virginia Ruivivar na iniakyat rin nila ng P1.41 kada kilo ang halaga ng kanilang auto-LPG.
Nabatid na una nang nagtaas ng kaparehong presyo ang Pilipinas Shell Petroleum Corp., habang P4 kada kilo naman ang itinaas ng mga miyembro ng LPG Marketers Association at Liquigaz Philippines. (Danilo Garcia)