NLRC Acting Sheriff timbog sa kotong

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investi­gation and Detection Group (PNP- CIDG) ang isang tiwaling Acting Sheriff ng National Labor Relations Commission (NLRC) matapos itong irek­lamo ng pangingikil ng isang negosyante sa Quezon City.

Kinilala ang suspect na si Ramil Apinado, residente ng Apo St., La Loma ng lungsod na ito.

Ayon sa ulat, inaresto ang suspect sa loob ng Hatrack Off-Track betting station sa kahabaan ng Del Monte Ave­nue, La Loma, Quezon City dakong alas-8 ng gabi kama­kalawa.

Ang suspect ay dinakip ng mga awtoridad base sa rek­lamo ng biktimang si Marilou Rustia, General Manager ng Sons Inc. Decades.

Sa reklamo ni Rustia, si­nabi nito na nangongotong umano ng P100,000 sa kanya si Apinado kapalit ng pag-antala sa implementas­ yon ng “writ of execution” laban sa kom­panya ng ne­gosyante alin­sunod sa ka­utusan na ni­lag­daan ni NLRC Labor Arbiter Gau­dencio Demaisio Jr.

Agad namang ipinag-utos ni National Capital Region -Criminal Investigation and Detection Unit (NCR-CIDU) Re­gional Chief Sr. Supt. Ro­bert Po ang entrapment ope­ra­tion na nagresulta sa pagka­kabitag sa suspect. (Joy Cantos)

Show comments