MANILA, Philippines - Isa na namang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 ang biktima, naka-asul na short, may tattoo na “Nesty Bobis” sa kanan braso at “Diyablo” naman sa kaliwang binti.
Batay sa ulat, alas-5:30 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa Palmera, Camarin ng nabanggit na lungsod.
Lumalabas na may mga saksak sa katawan ang biktima at may bakas ng sakal sa leeg. (Lordeth Bonilla)