Binata pinagtanggol ang kaibigan, ginilitan

MANILA, Philippines - Patay ang isang 20-anyos na binata matapos na pagba­lingang saksakin ng isa sa tatlong kalalakihang miyem­bro ng isang gang makaraang tangkain ng una na pigilan ang mga huli sa pa­nanakit sa kanyang kaibi­gan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Isang malalim na tama ng saksak sa leeg ang tumapos sa buhay ng biktimang si Norman Sarmiento, ng Ri­ver­side St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang mga suspek na nakilala sa mga panga­lang Jojit Gapo, Juanito Pabusta, at isang alyas Ipe.

Nangyari ang insidente sa may harap ng bahay ng biktima pasado ala-1:30 ng madaling-araw.

Bago ito nagpunta ang bik­ tima sa isang lugawan upang sunduin ang kanyang kaibi­gang si Jhon-Jhon. Pag­sapit sa lugar ay dumating ang mga suspek at kinur­sunada ng mga ito si Jhon-Jhon hanggang sa paluin ito ng monoblocks sa ulo.

Nakita naman ito ng bik­tima at tinangkang awatin ang mga suspek ngunit siya na­man ang pinagbalingang sak­sakin ng isa sa mga suspect sa leeg.

Matapos ang pananak­sak ay mabilis na nagsipag­tak­buhan papalayo ang mga sus­pek habang ang biktima ay isinu­god naman ng kaibi­gan sa Fairview hospital kung saan ito idinek­larang patay. (Ricky Tulipat)


Show comments