Bus sumalpok, 8 sugatan

MANILA, Philippines - Walong pasahero ng Corinthian bus ang sugatan nang bumangga ito sa Kato truck habang nakaparada sa gilid ng kalsada dakong alas 4:30 ng madaling-araw sa EDSA-Guadalupe, Makati City kahapon.

Sinabi ng mga pasahero ng bus na napaka­bilis ng pagpapatakbo ng driver na si Jun Abbas at huli na nang makita nito ang naturang truck.

Iniimbesti­ga­han naman ng mga otoridad kung may early warning device ang nasabing truck.

Isinugod sa Ospital ng Makati ang mga sugatan. (Danilo Garcia)


Show comments