^

Metro

Pangangasiwa ng basura sa Quezon City namantinang mabuti

-

MANILA, Philippines - Sa loob ng limang taon, namantini ng Quezon City ang mataas na lebel ng sis­tema ng pangangasiwa sa pagkolekta ng basura sa lung­sod bilang pagtalima sa pag­papahusay sa pangangalaga sa kapaligiran.

Kahit santanbak ang ba­sura sa Quezon City, nagawa pa din nito na maibaba ang hauling expenses nito ng may P23 milyon kumpara noong mga nagdaan walong taon.

Ayon kay QC Mayor Feli­ciano Belmonte Jr., napa­husay ng pangasiwaan ang flood control at drainage system sa lungsod gayundin ang mga pro­grama sa pagli­linis ng la­gusan ng mga ilog dahilan para ma­ iwasan ang pagba­baha sa mga flood-prone areas dito.

Sa waste recycling, ang QC anya ay nangunguna sa pagsunod sa may 25 percent waste diversion target ng Eco­logical Solid Waste Manage­ment Act of 2000. Kaya ng Que­zon City na mai-divert ang may 38 por­syento ng basura sa pama­magitan ng iba’t ibang re­cycling at composting initiatives.

Dahil sa epektibong solid waste management system ng QC, ang lunsod ay nakuha ang 3rd Galing Pook Award for BEST Practices noong 2008.

Noong Abril 22 sa pagdiri­wang ng Earth Day, nagpasa ang lokal na pamahalaan ng Green Building Ordinance upang palaganapin ang mga eco-friendly systems sa lahat ng gusali ng QC. Naimung­kahi na rin ang paggamit ng LPG sa mga tricycle sa lung­sod. (Angie dela Cruz)

BELMONTE JR.

EARTH DAY

GALING POOK AWARD

GREEN BUILDING ORDINANCE

MAYOR FELI

NOONG ABRIL

QUEZON CITY

SHY

SOLID WASTE MANAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with