Seguridad sa ika 26th death anniversary ni Ninoy plantsado na

MANILA, Philippines - Plantsado na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) para sa pag­gunita ngayong araw sa ika-26th taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Sinabi ni PNP Spokesman Sr. Supt. Leonardo Espina Jr., bi­nigyan na ni PNP Chief Di­rector General Jesus Verzosa ng direktiba si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Roberto “Boy­ sie” Rosales na pangasi­waan ang seguridad para sa naka­takdang event ngayong araw.

Ginawa ni Espina ang pa­hayag sa gitna na rin ng naka­takdang paglulunsad ngayong Biyernes ng ‘Araw ng Dilaw’ ka­sabay ng ika-26th death anni­versary ni Ninoy at bilang pag­kilala sa malaking papel na gi­nampanan ng yumaong si da­ting Pangulong Corazon Aquino sa panunumbalik ng demok­rasya sa bansa.

Nabatid na pangungunahan   ng Benigno S. Aquino Jr. Foun­dation ang idaraos na pala­tun­tunan sa Paseo de Roxas, Ma­kati City kung saan mata­tag­puan ang monumento ni Ninoy at sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila tulad ng Fort Bo­nifacio kung saan siya na­kulong at Manila International Airport (NAIA ngayon) kung saan ito   binaril.

Ang NCRPO, ayon kay Espina ay nasa ‘heightened alert status’ habang ipatutupad rin nila ang ‘no permit, no rally policy’ kaugnay ng mga kilos protesta laban sa gobyerno sa nasabing okasyon.

Inihayag ni Espina na hindi maaring mag-rally sa Edsa Shrine dahilan ipinagbabawal ito sa ilalim ng batas. (Joy Cantos at Danilo Garcia)

Show comments