Bebot na police informer itinumba

MANILA,Philippines -Isang babae na sinasabing informer ng mga pulis ang pinagbabaril hang­gang sa mapatay ng hindi pa naki­kila­lang suspek sa Navotas City kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa kanang sentido si Esperenza Sacramento, ng Area 1, North Bay Bou­le­vard South ng lungsod na ito. Sa pa­hayag ng saksing si Tessie Doble, nasa loob siya ng kanilang bahay sa Kitang Alley, NBBS alas-11:15 ng gabi nang nakarinig ng isang putok ng baril.

Agad siyang sumilip sa bintana at doon niya nakitang nakabulagta na ang biktima na naging dahilan upang itawag niya ang insidente sa pulis.

Hinihinalang paghi­higanti ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Lordeth Bonilla)


Show comments