Bangkay ng pastor lumutang sa ilog

MANILA, Philippines - Lulutang-lutang nang matagpuan ang bangkay ng isang pastor sa isang ilog ng Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Segundo Limson, ng San Fran­ cisco del Monte at dating pastor sa United Church of Christ in the Philippines.

Base sa report ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa Dario River sa San Francisco del Monte.

Ayon sa pulisya, malamang umanong nadulas at saka nahulog sa naturang ilog ang biktima sa kasagsagan ng buhos ng ulan dulot ng bagyong si Kiko.

Gayunman, patuloy na binubusisi ng mga awtoridad ang kasong ito upang malaman kung walang foul play sa naganap na insidente. (Angie dela Cruz)


Show comments