Dalaga natagpuang nakabigti

MANILA, Philippines - Isang dalaga na dumadaan sa pagsusuri ng isang psychiatrist ang natagpuan na lamang nakabitin sa kisame ng isang rehabi­litation center sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ang nasawi na si Joan Anos, 26, ng Rizal Extension, Barrio Barreto, Olongapo city.

Sa ulat, si Anos ay natagpuan na lamang nakabitin sa kisame sa loob ng isolation room ng Newman Home Care and Rehabilitation Center sa   Fairlane St., West Fairview sa lungsod. Sinasabing ang biktima ay dalawang linggo pa lamang sa pangangalaga ng nasabing center para sa pagsusuri sa kanyang pag-iisip.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente kung may naganap na foul play dito. (Ricky Tulipat)


Show comments