^

Metro

Helper itinumba sa bala ng pen gun

-

MANILA, Philippines - Bala lamang ng pen gun ang tumapos sa buhay ng isang 17 anyos na helper ng isang vulcanizing shop matapos paputukan ng dalawa sa 14 na lalaki sa Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Ardel Anos, stay-in helper sa Vhea Vulcanizing shop sa panulukan ng 17th at Delgado sts., Port Area.

Sa ulat ni Det. Benito Cabatbat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng naturang talyer.

Ang biktima at dalawa pang kasamahan ay nakatayo sa harapan ng talyer habang naghihintay ng kustomer nang pumarada sa kanilang tapat ang dalawang dilaw na traysikel na may sakay na 14 na kalalakihan.

Pag-aakala umano ng biktima at kasamahan ay mga kustomer subalit nasorpresa sila nang pagbabarilin sila ng dalawang armado ng pen gun. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARDEL ANOS

BALA

BENITO CABATBAT

DELGADO

LUDY BERMUDO

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PORT AREA

VHEA VULCANIZING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with