Holdaper itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang isang kilabot na holdaper nang pagba­barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspect na sakay ng isang motorsiklo, kahapon ng umaga sa Pasay City. Namatay noon din sa mismong pinangyarihan ng insi­dente bunga ng isang tama ng bala sa ulo mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril ang suspect na kinila­lang si Alex Belmonte alyas “Diyablo”. Nabatid na kasalu­kuyang nakatayo ang biktima sa harapan ng isang estab­lisim­yento sa Merville St., Pasay City nang biglang du­mating ang armadong suspect na sakay ng isang hindi na­plakahan na motorsiklo at agad na pinagbabaril ang una hanggang sa tamaan ito sa ulo. Matapos ito’y mabilis na tumakas ang suspect. Nabatid na si “Diyablo” ay kilala bilang kilabot na holdaper na siyang responsable sa serye ng holdapan sa Pasay City at ilan pang mga siyu­dad sa Kalakhang Maynila. May hinala naman ang pu­lisya na paghihiganti ang motibo sa pamamaslang kay “Diyablo”. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments