MANILA, Philippines - Pumuga ang labing-tatlong preso sa detention cell ng North Extension Office ng Caloocan City Police habang nasa kasagsagan ng ulan kahapon ng madaling araw. Nakilala ang mga nakatakas na sina Aldrin Dacosta; Pedro Ramos; Rolando Hernandez; Pedro Cabondo; Rodel Abad; Rolando Lozano; Rolly Paderes; Jodemar Jordan; Jonathan Fritz; Ryan Ranillo; Rodolfo Santiago; Felix Valenzuela at Marvin Santos na may iba’t ibang kaso. Batay sa ulat, ala-1 ng madaling-araw nang tumakas ang mga preso na nagdaan sa kisame na tu magos sa likuran bahagi ng presinto. Nabatid na 23 ang nakakulong sa nasabing detention cell at sinasabing nagpapahinga ang duty officer na si Insp. Francisco Santos nang maganap ang pagtakas. Dahil dito, sinibak sa puwesto ng National Capitol Region Police Office si Supt. Florendo Quebuyen bilang hepe ng NEO habang tinutugis na ng mga pulis ang mga nakatakas.
(Lordeth Bonilla)