2 kelot tiklo sa oral sex

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ope­­ratiba ng Manila Police District ang isang 16-anyos na umano’y bading at isang lalaki na naka-partner nito habang nasa ak­tong nakalu­hod ang huli kahapon ng mada­ling-araw sa isang ma­dilim na ba­hagi ng Lu­neta Park sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Michael Men­doza, 29, binata wa­lang trabaho ng 1069 P. Paredes St. Sam­paloc ng nasabing lungsod at ang kasama nito na pinangalanan na Raffy.

Sinabi ni SPO4 Aristede Marinda ng MPD-District Mobile Patrol Unit na dakong alas-4:30 ng madaling- araw nang maaresto ang dalawa sa madilim na bahagi ng mga halamanan sa Luneta.

Nagpapatrulya si Marinda nang pag­daan sa nasabing lugar ay napansin niya ang mga suspek. Agad nilapitan ni Marinda ang nakata­yong lalaki subalit may kasama pa pala itong isa pang lalaki habang nakaluhod sa harapan nito at subo pa ang ari ng una.

Sa presinto, ikinatu­wi­­ran ni Raffy na pinilit lamang umano siya ni Mendoza na taliwas naman sa sinabi ni Men­doza na nagpakita umano ng motibo si Raffy at dahil trip din umano nito ay pinag­big­yan niya ang hiling ng bading.


Show comments