Kumakain, nabuwal

MANILA, Philippines - Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ng 38 anyos na si Alvin Velasco ng Sta. Mesa, Manila na biglang nabuwal, nawalan ng malay hanggang malagutan ng hininga habang kumakain sa isang fastfood restaurant sa UDL Building, 1440 Taft Avenue, Ermita, Manila kahapon ng tanghali.

Hindi pa mabatid hanggang sa isinusulat ito kung ano ang ikinamatay ng biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments