Iranian kinalaboso sa pagwawala

MANILA, Philippines - Isang 38 anyos na Iranian na si Sasan Rahmati ng Sagana Tower, Ampil St., Sta. Mesa, Manila ang ikinulong ng mga awtoridad dahil sa pamumuno niya sa isang rambulan sa kanilang lugar at pagwawala sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section kahapon ng umaga.

Ipinagharap ng mga kasong physical injury, alarm and scandal, resisting arrest at direct assault on an agent of a person of authority ang dayuhan.

Nabatid na pumalag si Rahmati at hinamon pa ang mga pulis na imbestigador sa MPD-GAS nang akusahan siya ng kanyang mga kapitbahay ng pamumuno sa rambulan sa kanilang lugar. (Ludy Bermudo)

Show comments