Anak ng dating kinakasama dinukot

MANILA, Philippines - Isang 55-anyos na mister na si Reynaldo Maca­bante ang kasalukuyang nahaharap sa kasong kidnapping dahil sa pagdukot niya sa anim na taong gulang na anak na babae ng dati niyang live-in partner­ na si Rosemarie Perez, 34, ng Barangay Niugan, Malabon City.

Nauna rito, inabangan ni Macabante sa paglabas sa eskuwelahan sa Malabon ang anak ni Perez noong Hulyo 9 bago dinala ang bata sa Bulacan.

Tinext ni Macabante sa cellphone si Perez at sinabihang hindi na nito makikita ang bata kung hindi makikipagbalikan sa kanya.

Nadakip lang ng pulisya si Macabante nang ma­kipagkita sa kanya si Perez sa Camachile, Doña Re­medios Trinidad, Bulacan. Nakulong ang suspek habang nabawi ni Perez ang biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments